Dasal para maparusahan ang nang-api
Tanong: Saan ko po isasabit ang aking 6 metal rod wind chime? May tindahan ako ng damit. Ano ang aking dapat gawin para maging mabenta? Nag-aahente rin ako ng house and lot. Turuan mo ako para makabenta.---Juana Direction
Sagot: Six rod wind chimes—Isabit sa northwest ng salas. Kung ang metal rod ay may kulay, mainam na gamitin ay gray, gold or white. Ang six rod wind chime ay umaakit ng maimpluwensiyang tao na magiging malaking tulong sa iyong buhay.
Ilagay ang mga paninda sa northwest ng tindahan at isulat sa kapirasong papel ang “sold” kasama ang iyong pirma. Ilagay ang papel sa ilalim ng mga paninda para maging mabenta ito.
Kung lote o bahay o anumang ari-arian ang nais ibenta, ilagay ang titulo/documents na may kinalaman sa ibebentang ari-arian sa northwest, markahan ng salitang “sold” ang envelop na pinaglalagyan ng titulo kasama ang iyong pirma. Manalangin.
Tanong: Ano ang angkop na Psalm para parusahan ng Diyos ang mga taong umapi sa amin? Ano rin po ang para pangontra sa kulam?---Ogie
Sagot: Psalm 149 para sa una mong tanong at Psalm 140 sa huling tanong.
- Latest