The ghost of ‘padre tililing’ (1)
MINSAN sa nagdaang panahon na hindi naman katagalan, dumating sa malayong fishing village ng mga maralitang mangingisda si Carlo, taglay ang iisang adhika—ang ipangaral ang mga salita ng Diyos. Hindi tunay na padre si Carlo.
May basbas ng maykayang pamilya si Carlo, dinadalhan siya ng suportang pera nang regular. Nakabili si Carlo ng simpleng bahay sa tabing dagat.
Dito ang headquarters niya sa pangangaral ng salita ng kabanalan.
May kampanilya ng sorbetero si Carlo kapag tumatawag ng mga nais makinig ng salitang mula sa bibliya.
Nakatuwaan ng mga tao na bansagan siyang si ‘Padre Tililing’.
“Narito na si Padre Tililing! Yeheeey!” Naaaliw kay Padre ang mga taga-isla, bata man o matanda, Alam ng mga ito na siya ay may genuine concern; handang tumulong sa abot ng makakaya.
PERO may isang tao sa fishing village na galit na galit kay Padre Tililing—ang tinaguriang smuggling queen—si Miranda.
Malupit si Miranda, lihim na kinatatakutan ng mga tao.
“Padre Tililing, lumabas ka diyan sa lungga mo! Mag-usap tayo ngayundin!” sigaw-utos ni Miranda, nasa tapat ng bahay ng ‘Padre’.
Hindi naman siya binigo ng sadya, hinarap agad si Miranda.
“Ikaw pala, Miranda. Ano ang maipaglilingkod ko?”
“Umalis ka dito sa teritoryo ko, Carlo!”
“Bakit naman, Miranda?”
“Pampasira ka ng araw at gabi ko, Padre Tililing!”
Tumahimik ang ‘Padre’. Tinitigan si Miranda.
Saka sumagot, buong tatag. “Hindi ako aalis dito, Miranda. Ang dalampasigang ito ay hindi sa iyo. Ginawa ni Lord para sa mga tao; hindi para lang sa iyo.”
Naningkit sa galit si Miranda, naging marahas ang kamay.
Pak. Pak. Sinampal agad ang ‘Padre’.
Namula ang pisngi ni Padre Tililing, ihinarap kay Miranda ang kabilang pisngi.
“Ang corny mo!” sigaw ni Miranda. (ITUTULOY)
- Latest