Okra
Last part
Tumutulong sa may sakit sa kidney– Ayon sa mga pag-aaral, ang regular na pagkonsumo ng okra ay maaaring makatulong na maiwasan ang sakit at pinsala sa kidney. Limampung porsiyento ng sakit sa kidney ay dulot ng diabetes. Ang pagkain ng okra ay nakapagno-normalize ng blood sugar na isang dahilan upang maiwasang mapinsala ang kidney ng isang diabetiko.
Tumutulong sa malusog na colon – Ang okra ay mayaman sa dietary fiber na kailangan upang magkaroon ng malusog na colon at maayos na panuÂnaw. Nililinis ng fiber ng okra ang gastrointestinal system para makapagtrabaho ang colon ng maayos at maging malusog.
Maaaring makatulong sa problema sa baga – May mataas na lebel ng bitamina C ang okra na tumutulong sa sakit sa baga katulad ng asthma. Ayon sa mga pag-aaral ang pagkain ng mga prutas na mayaman sa bitamina C ay maaaring makabawas ng sintomas ng singasing sa mga bata.
Pinananatili ang malusog na balat - Ang bitaÂmina C ay tumutulong sa balat na maging mukhang bata na mayaman sa okra. Tumutulong ang bitamina sa paglago at pag-ayos ng mga body tissues, na nakakaapekto sa collagen formation, skin pigmentation, at ma-rejuvenate ang napinsalang balat.
- Latest