Ang kapalaran sa palad
Malaki ang katawan at malaki ang palad: Resourceful at talented
Malaki ang katawan pero maliit ang palad: Hindi marunong humawak ng pera.
Petite (maliit ang built ng katawan) na may maliit ngunit makakapal na palad: maganda ang kapalaran.
Petite na maliit at maninipis na palad: metikulosa at hindi gaanong umaasenso ang buhay.
Petite na may malalaki, makakapal na palad: Masuwerte sa pera.
Petite na malalaki ngunit maninipis na palad: Karaniwang naghihirap kaya kailangang kumayod mabuti.
Refined person (edukada, magalang makitungo sa mga tao) na magaspang at manipis na palad: Yayaman sa umpisa ngunit maghihirap pagsapit sa pagtanda.
Refined Person na may delicate palms: yayaman at magiging prominente.
Tabatsoy na walang gap sa pagitan ng mga daliri kapag ibinukas ang palad: Mabilis humanap ng pagkakakitaan
Tabatsoy na may makikitang gap sa pagitan ng mga daliri: Mas malaki ang ginagastos kaysa kanyang kinikita.
Palad na mamula-mula at malaman: Healthy at magaling humawak ng pera.
Yellowish at dry ang palad: Bad blood circulation at mahina ang kanyang digestive system.
Nangingitim ang gitna ng palad: Delikado ang buhay.
Bluish: May problema sa kidney.
- Latest