Totoo kaya ito?
Maikli lang ang buhay ng taong ang bridge ng ilong ay halos pumapantay na sa noo. NangyayaÂring pumapantay ang bridge ng ilong sa noo dahil sobrang katangusan ng ilong. Tumatagal lamang sila sa edad na early forties. Mga mestiso ang nagtataglay ng ganitong klase ng ilong kagaya ni Elvis Presley at Alexander the Great.
* Yayaman sa edad na 31 to 33 ang taong may nunal sa kilay. Ang kilay ay kailangang tama ang kapal at maayos ang hanay.
* Yayaman din ang taong may nunal sa unahan ng kanang kilay. Ang unahan o umpisa ng guhit ng kilay ay ‘yung nasa gitna ng noo samantalang ang dulo ng kilay ay malapit sa sentido.
* Matalino at may photographic memory ang taong may nunal sa matambok at malapad niyang noo.
* Mahusay magturo ang mga gurong may nunal sa pisngi.
* Kung tutuusin, naniniwala ang mga expert sa Face Feng Shui na nakakatulong ang pagpapaayos ng mukha sa dermatologist. Ang anumang “imperfectionâ€(bukol, peklat, butas-butas na mukha, etc.) sa mukha na nagsasaad ng kamalasan ay maaaring mapalitan ng suwerte kung ito’y tatanggalin.
- Latest