^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (22)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NALULA NGA ang mag-asawang Paula at Socrates sa laman ng  makapal na diyaryo.

“Sandamakmak na pera, Paula!”

“OO nga! Sa amin na ba ito, mabait na multo?”

“Opo naman. Finders keepers po. Clean money po iyan mula sa isang yumaong pilantropo. Nasa pangangalaga ng mga sisters nang biglang magkasunog. Sa basement po mabilisang itinago para hindi matupok ng apoy. Namatay po ang lahat ng sisters kasama ako…”

Hinimay ng mag-asawa ang sinabi ng maamong multo. Wala silang makitang kumplikasyon kaugnay ng pera.

“Para saan daw proyekto itong salapi?”tanong ni Paula sa maamong multo. Iyon din ang nais itanong ni Socrates.

Handa ang sagot ng multo. “Actually po, pinagpipilian kung emergency fund ng mga namamahala rito noon, or para sa pagpapa-upgrade ng asylum.

“Nasunog nga po ito at nabili  ni Caluycoy sa pandaraya sa bidding. Kaya po hindi pa ipinagagawa ni Caluycoy ay dahil  sa mga multo rito siya nagkainteres.” “Nagkainteres din siya dito sa misis ko.”
“Oo nga po, alam ko.”

“Magtatagumpay ba siya kay Paula?” tanong ni Socrates.             

Umiling ang maamong multo. “Ang darating na panahon po ay hindi ko kayang hulaan.”

“Pero nahulaan mong dadayain kami ni Caluycoy?”

“Kasi po’y narinig namin ang laman ng utak niya habang narito siya sa asylum at nais kayong barilin, Sir Socrates.”

Nakumbinsi naman ang mister sa sagot nito.

“Isang tanong na lang,” sabi ni Paula.

“Sige po, misis.”

“Ano ang pangalan mo?”

“Arnelo po.”

“Napakaraming salamat sa iyo, Arnelo.” Sabay na nagpugay sa maamong multo ang mag-asawa. (ITUTULOY)

 

 

 

 

 

vuukle comment

ANO

ARNELO

CALUYCOY

HANDA

HINIMAY

MULTO

PAULA

SIR SOCRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with