Isang milyong pisong kilabot (20)
KILABOT na kilabot si Emil Caluycoy, sa halip mabaril si Socrates sa presencia ni Paula, ang baril ay pinigil ng isang puwersa at itinutok sa loob ng kanyang bunganga.
Binitiwan niya ang baril. Bakit naman niya babarilin ang sarili?
Kasunod ay mabilis na siyang tumakbo palabas, halos magkabangga-bangga. Sumisigaw sa takot. “Aaahhh!â€
Taka ang mag-asawa, alam na boses ng tao iyon, hindi multo.
“Ano kaya iyon, Socrates?†“Paula, wala akong ideya kung ano ‘yon.â€
Kinakabahan si Paula. Paano kung may nais makialam sa kanilang tagumpay? Paano kung nais mandaya ni Emil Caluycoy?
Sinabi niya kay Socrates ang lahat ng pangamba.
“Paula, guniguni mo lang ‘yan. Ngayon pang malapit na tayong lumabas dito? Ihanda na ni Caluycoy ang Isang Milyon.â€
Tiningnan nila ang orasan. Beinte minutos na lang at kumpleto na ang kanilang 24 oras sa minumultong asylum.
“Magandang gabi sa inyo.â€
Napaigtad ang mag-asawa. Isang maamong multo ang kaharap nila.
“Sino ka?†matatag na tanong ni Socrates.
Ang multo ay hindi nananakot. Nasa anyo ang kabanalan. “Isa akong seminarista na nag-oobserve dito; Namatay ako sa sunog dito.â€
Maging si Paula ay nagtanong, sanay na sa multo. “Ano ang kailangan mo?â€â€™ “Tulungan kayo. Lolokohin kayo ng milyonaryong kausap ninyo.â€
Nagkatinginan ang mag-asawa.
Tinantiya ang katapatan ng maamong multo.
Sa unang pagkakataon ay nagtiwala sila sa multo.
“Paanong lolokohin kami ni Emil Caluycoy?†tanong ni Paula.
“Kanina po, ‘yung taong narinig ninyong sumiÂgaw—siya iyon, Nais barilin sa balikat si mister.â€
“Oh my God! Socrates!†“Bakit ako babarilin sa balikat?†(ITUTULOY)
- Latest