Iwasan ang mabahong hininga
Last part
Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano maiiwasan ang mabahong hininga. Narito pa ang ilang hakbang:
Gumamit ng floss – Minsan nagtataka ka na pagkatapos mo magsipilyo ay mabaho pa rin ang iyong hininga, ito ay dahil sa may ilang mga tinga sa iyong ngipin na naiwan at kung hindi ito agad matatanggal ay maghahakot ng bacteria at magbibigay sa’yo ng mabahong hininga. Kaya tiyakin mong maging “habit†ang pagpo-floss ng iyong ngipin.
Iwasan ang ilang uri ng pagkain – MaaaÂring hindi mo alam na may ilang uri ng pagkain na nagiging sanhi ng mabahong bibig gaya ng sibuyas, bawang at iba pang maaanghang na pagkain. Nagtataglay kasi ang mga ito ng sulphuric compound na siyang nagpapabilis ng pagdami ng bacteria sa iyong bibig.
Magsipilyo – Kuskusin ng sipilyo ang iyong ngipin at dila dalawang beses sa isang araw. Hindi lang kasi sa ngipin at gilagid nananatili ang bacteria kundi maging sa iyong dila.
- Latest