Ano ang iyong name number? (2)
Paraan ng pagkuwenta sa NAME NUMBER: Pangalan mo na nasa birth certificate ang gagamitin, hindi kasama ang apelyido. Narito ang katumbas na number ng mga alphabets : 1—A, J, S; 2—B, K, T; 3—C, L, U; 4—D, M, V; 5—E, N, W; 6—F, O, X; 7—G, P, Y; 8—H, Q, Z; 9—I, R. Gamitin ang addition. Kung two digits ang sum total, mag-addition hanggang sa maging single number.
NAME NUMBER 3 MEANING
Ang vibration na naidudulot ng number 3 sa iyong pagkatao ay ang pagiging optimistic, sociable, “maboka†at mayaman sa imahinasyon. Mas aasenso sa mga propesyong may kaugnayan sa communication. Sa kabilang banda, may tendency na maging mababaw at hanggang daldal lang nang daldal. Kung minsan ay “kalat†ang kanyang talent at walang focus kaya walang nararating.
NAME NUMBER 4 MEANING
Ang mga ugaling tinataglay ng mga may namenumber 4 ay pagiging matatag, may common sense at mahusay magpalakad ng kanyang buhay. Mapapakinabangan mo sa iyong trabaho ang pagiging systematic, organisado at praktikal. Ang top 3 na ugaling kinasusuklaman mo ay makalat, taksil at mababaw. Ang negative traits ng name number 4 ay hindi marunong sumunod sa rules ( or kabaliktaran, sobrang masunurin sa rules kahit hindi na makatwiran) at malupit sa sarili pagdating sa trabaho, sobrang workaholic. Ayaw niyang bigyan ang sarili na makapag-relaks paminsan-minsan. Itutuloy
- Latest