Honey lemon juice vs Colon cancer
Hindi na suliranin ngayon ang mga pagkaing maaaring panlaban sa kinatatakutang sakit ng marami, ang Cancer. Isa mga ibinibigay na benepisyo ng honey lemon juice ay ang labanan ang sakit na ito. Narito pa ang ilang mabuting idinudulot ng honey lemon juice sa katawan ng tao:
Pang-alis ng toxins – Kung sa tingin mo ay napakaraming dumi sa iyong tiyan gaya ng sobrang kapal ng cholesterol. Uminom lang ng maligamgam na tubig, lemon juice at honey. Ilalabas nito ang mga toxins sa iyong tiyan na minsan ay nagiging sanhi ng indigestion. Bukod dito ay nakakapagpaganda pa ito ng kutis.
Kidney stone – Nagreresulta ng sakit na ito ang pagpipigil sa ihi at ang kakaunting tubig na iniinom sa araw-araw. Regular na uminom ng honey lemon juice upang alisin ang mga sobrang calcium sa iyong dugo at katawan.
Pampapayat – Kung ikaw ay nais na magbawas ng timbang, mahusay na inumin ito dahil sa taglay nitong citric acid na siyang tutunaw naman sa fats sa iyong katawan.
Gamot sa sore throat – Dahil may taglay na anti-bacterial ang honey, mahusay na gamot ito sa sore throat o pangangati ng lalamunan. Maglagay lang ng isang patak ng honey sa iyong lemon juice at presto! Lilinisin na nito ang iyong lalamunan at maalis na ang pangangati nito.
Makakaiwas sa colon cancer – Dahil itinuturing na anti-oxidant ang lemon at honey, ang regular na pag-inom nito ay makakatulong para maiwasan ang colon cancer. (mula sa medicmagic.net)
- Latest