Regalo para kay ‘Daddy’ (1)
Ngayong linggo ay ipagdiriwang natin ang “Fathers Day†upang bigyan ng pagpupugay ang kadakilaan ng ating mga ama, ngunit ano nga ba ang pinakamagandang regalo sa ating ama? Ang iba ay nagbibigay ng magandang korbata upang magamit sa opisina, meron naman nagbibigay ng rubber shoes para magamit ng kanilang ama sa pagwo-workout at iba pang material na bagay na maaaring makapagbigay ng kasiyahan sa ating mga ama ngayong “Fathers Dayâ€. Ngunit wala ng mas hihigit pang regalo sa ating ama na maaari nating ibigay kundi ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensyon at pag-aaruga sa kanila kahit gaano man tayo ka busy sa ating ginagawa. Kabilang sa atensyon na kailangang ibigay natin sa ating mga ama ay ang pagmo-monitor sa kalusugan nila upang mas maging mahaba ang panahon natin na makapiling sila. May mga daddy kasi na ipinagwawalang bahala ang kanilang nararamdam hangang sa maging malala na ito. Kailangan nating kumbinsihin si Daddy na i-priority ang kanyang kalusugan sa pamamagitan ng hindi pagsasawalang bahala sa anumang nararamdaman niya. Naririto ang ilan sa mga tanong na maaaring makapag determina sa kanyang nararamdaman sa kanyang kalusugan:
Si Daddy mo ba ay madalas kinakapos ng hininga? Kapag ang daddy mo ay nahihirapang huminga sa mga karaniwang aktibidad na kanyang ginagawa. Ito ay hindi magandang senyales. Kapag si daddy ay overweight, naninigarilyo at hindi nag-e-exercise ito ay hindi malayong mangyari na kapusin sa paghinga. Ang kakapusan sa paghinga ay hindi magandang senyales dahil ito ay maaaring mag dulot ng pinsala sa puso. Kung siya naman ay payat at nanghihina maaaring siya ay may anaemic, at kung naninigarilyo naman maaaring ito ay sanhi ng chronic lung damage. (Itutuloy)
- Latest