Isang milyong pisong kilabot (14)
“SOCRATES, ibang klaseng d-daga ang nasa floor. K-Kakaiba ang kilos,†sabi ni Paula sa katabing mister na abala sa flashlight batteries.
“Paula naman, paanong kakaiba? Sabihin mo na lang…†Ayaw maabala ni Socrates.
“N-Naglalakad pabaligtad ang daga…galit na nakatingin…â€
“Ha?†Napatingin na rin sa kinaroroonan ng daga ang mister.
Namangha ring gaya ni Paula, kinabahan. “Anak ng…h-hindi ordinaryong gada ‘yan, Paula! Baka hindi talaga g-gada…â€
“Socrates, daga, daga, hindi gada!â€
Patuloy sa paglalakad nang pabaligtad ang daga, nanlilisik ang mga mata, nakatingin nga kina Socrates at Paula.
Napakapit lalo sa mister ang magandang misis. “Socrates, tinitingnan t-tayo nang masama, parang mangangagat…â€
Kumuha ng pamalo si
Socrates, pinaghahataw ang daga. PAG. PUG. PLAK.
Bawat hataw ay sumapol sa daga. Pero hindi ito nasaktan, balewala ang mga hataw ni Socrates.
Palapit na ito sa mag-asawa.
“Socrates, multo ‘yan…hindi daga ‘yan,†nginig sa takot na sabi ni Paula, nagkanlong na sa likuran ng mister.
Napaurong si Socrates, pinawisan ng malapot. “H-huwag kang lalapit! Binabalaan kita!â€
Matalim ang titig ng daga, naglalakad pa rin nang patiwarik, pabaligtad, palapit nang palapit.
“Sabi ko, huwag kang lalapit!â€
Palapit pa rin nang palapit ang daga.
At mabilis na lumalaki, kasing laki na ng pusa!
Tili na nang tili si Paula. “Eeeee! Eeeee!â€
Tumalon kay Socrates ang daga. Sa leeg.
“Uuuunnn.†Isa sa mag-asawa ang hinimatay sa takot.
Si Socrates.
“Socrates! Eeeee!†sigaw ni Paula, hindi makapaniwalang nahimatay ang mister. (ITUTULOY)
- Latest