^

Para Malibang

Paano maging ‘centenarian’?

Pang-masa

Sa pagdaan ng panahon, paikli na nang paikli ang life expextancy o haba ng buhay ng tao. Hindi kagaya noong unang panahon na umaabot ng mahigit sa 100-taon ang buhay ng tao. Dahil dito ay nagkakaroon ng kamalayan ang mga tao kung paano mas mapapahaba ang buhay. Mara­ming katangian at bagay na dapat gawin para magkaroon ng mahabang buhay at isa na rito ay ang pagkakaroon ng tamang diet.  Gayunman, isa lang ito sa “factors” na tinitingnan ng madami. Narito ang ilang paraan para humaba ang iyong buhay:

Kontrolin ang iyong bibig – Iisa lang ang sekreto ng mga “centena­rians” o ‘yun mga taong umaabot ng 100-taong gulang o mahigit pa. Ito ay ang pagkain ng kaunti lang pero medyo madalas.  Sa ganitong paraan kasi ay tinuturuan mo kasi ang iyong bituka na hindi lumobo ng husto at masanay na kakaunti lang ang laman nito. Ang ganitong sistema rin ng pagkain ay tumutulong para mapanatili ang magandang lebel ng blood sugar sa iyong dugo. Mas mabuti rin kung hindi mo na paaabutin pa ang iyong tiyan sa pakiramdam na gutom na gutom na ito, dahil tiyak na mapaparami ang iyong kain at malalagyan ng mga hindi importanteng calories ang iyong katawan.

 Kainin ang gulay na iyong tanim – Sa isang pag-aaral, lumalabas na kaya maraming centenarians na nakatira sa bulubunduking villages ng Sicily ay dahil mas marami silang kinakain na gulay, prutas at grains dito na kanilang tanim mismo sa kanilang kapaligiran. Kakaunti lang ang kinakain ng mga tao rito na red meat  at matatamis na pagkain. Ang mga pagkaing gaya ng gulay at prutas ay mayaman sa antioxidants at phytochemicals. Sa mahabang panahon ay napatunayan ng mabisang panlaban sa pagtanda at pagkakasakit ang pagkaing ito. Mas mabuti kung ang kakainin ay mga berdeng gulay at mga kilalang superfoods na blueberries, nuts, broccoli at sweet potatoes o kamote.

Palaging kumain ng almusal – Ang almusal ang pinakaimportanteng pagkain sa maghapon, kaya naman hindi ito dapat na kalimutan. Sa pag-aaral, nadiskubre na ang pagkain ng agahan ay mahalaga sa metabolismo ng katawan. Sa “circadian rhytm” o orasan ng katawan mahalaga ang oras ng umpisa ng iyong pagkain. Kaya naman kung kakain ka sa pagsisimula ng iyong araw, malaki ang epekto nito sa iyong katawan. Ang resulta ng regular na pag-aagahan ay pagkakaroon din ng tamang lebel ng insulin, glucose at triglycerides sa katawan sa buong maghapon. Dahil dito, naiiwas mo ang iyong sarili mula sa mga malalalang sakit gaya ng sakit sa puso, cancer at diabetes.

DAHIL

GAYUNMAN

IISA

IYONG

KAININ

KAKAUNTI

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with