Namumulang paa Uso
Uso na ngayon ang pagpapaganda ng paa. Kaya nga ang iba, partikular na ang mga kababaihan ay napapa-foot spa pa para maalis ang mga kalyo sa kanilang mga paa at magkulay pink na ito. Kaya lang kahit gaano kaganda ang iyong mga paa kung ito naman ay may amoy ay balewala rin ang gandang ito. Sa halip, pandidirihan ka pa ng iyong kapwa kapag naamoy na masangsang ang iyong paa. Kaya nagkakaroon ng amoy ang paa ay dahiil sa bacteria na kumakapit sa pawis nito. Paano nga ba magkakaroon ng malinis at mabangong paa? Narito ang ilang dahilan:
1. Maghugas ng paa araw-araw gamit ang antibacterial soap. Saka ito patuyuin mabuti. Makabubuti rin kung ang gagamiting panghugas tatlong beses sa isang linggo ay may katas ng green tea. Maaari din ibabad ang iyong paa sa tubig na hinaluan ng baking soda at ilang kutsara ng suka para maalis ang masangsang na amoy nito.
2. Uminom ng maraming tubig. Makakatulong ito para mailabas ang anumang bacteria sa katawan at maiwasan ang pagkakaroon ng body odor.
3. Iwasan ang pagsusuot ng synthetic socks. Mas mabuting cotton ang gamiting tela ng medyas dahil maginhawa ito sa iyong paa kaya tiyak na hindi ito pagpapawisan.
4. Lagyan ng antiperspirant ang iyong paa at foot powder naman ang iyong sapatos. Hangga’t maiiwasan, huwag magsuot ng parehong sapatos sa magkasunod na araw. Mas mabuting labhan muna ito bago muling gamitin.
5. Makatutulong din ang katas ng singkamas at labanos sa pamamagitan ng pagkukuskos nito sa paa mo. Mahusay kasi ang katas ng mga ito laban sa mabahong amoy sa katawan.
- Latest