^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (6)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“NATATANDAAN ko pa ang sabi mo sa akin noon, Paula. Na ako’y hindi husband material, walang kakayahang bumuhay ng pamilya. Binigo mo ako at nagpakasal ka sa iba, sa isang businessman kuno,” madamdaming sabi ni Emil Caluycoy.

Nakikinig lamang si Paula, nanghihinayang na tanggihan ang One-Million Peso challenge ng da­ting manliligaw.

“Pero ano ang nangyari sa inyo ng husband mo? Bumagsak ang kabuhayan ninyo, Paula. Pinulot kayo sa kangkungan!!

“At akong ‘kukulukulo ang tiyan’ heto at multi-milyonaryo na!” dugtong ni Emil Caluycoy, humalili ang lungkot. “Pero ulul pa ring umiibig ako sa  iyo, Paula…”

“Tatanggapin ko na ang…ang indecent proposal mo, Emil. Kapag kami ni Socrates ay natalo ng mga multo mo sa asylum, iyo ang pagkababae ko nang buong magdamag…”

Napaigtad sa katuwaan si Emil Caluycoy. “Yes! Yesss!”

“Pero pakiusap, Emil, hindi malalaman ng asawa ko ang mahalay nating kasunduan.”

“I swear, Paula, tayo lang dalawa ang nagkakaalaman.”

HINDI nga nalaman ni Socrates ang lihim na ‘side contract’ nina Emil at Paula. Ang alam ng husband ay dinitalye lang ng wirdong may-ari ng asylum ang mga rules ng naiibang contest.

“Mga multo nga ang kalaban natin, ayon sa lala­king wirdo, Socrates. At may ambulansiyang maghihintay sa labas ng asylum, kumpletong may nurse at duktor—sakali raw na may madidisgrasya sa atin.

“Nakabantay din daw sa labas ng nasunog na gusali ang contest supervisors na mag-ooras sa ating pagtigil sa asylum. Dapat daw ay saktong 24 oras tayo para manalo. Kapag daw kapos tayo ng kahit isang minuto, idedeklarang talo tayo, Socrates.”

Napabuntunghininga si Socrates. “Kaylupit naman nila.”

“Pero atin na raw ang singkuwenta mil kahit tayo matalo, Socrates, parang consolation prize.”

“Aba, ‘buti naman at nakunsensiya!”

Hindi talaga sinabi ni Paula ang mahalay na kasunduan nila ni Emil Caluycoy; pati nga ang tunay na identity nito ay inilihim ni Paula, para lang matuloy ang pagsali nila sa One-Million Peso challenge.

“Basta ipangako mong tayo ang mana­nalo, Socrates.”

( ITUTULOY)          

vuukle comment

BINIGO

EMIL

EMIL CALUYCOY

KAPAG

ONE-MILLION PESO

PAULA

PERO

SOCRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with