‘Beauty Tips’
Mahirap magpanatili ng kagandahan, kahit kaunting pagbabago o paggalaw mo sa iyong itsura ay posibleng magdulot ito ng dagdag na kagandahan o kapangitan sa’yo. Kaya naman dapat kang maging maiÂngat sa anumang gagawin mo sa iyong mukha at katawan. Hindi alam ng marami, may mga bagay na hindi dapat ginagawa sa ating mukha o anumang bahagi ng katawan at narito ang ilan:
Tigilan ang paghawak sa iyong mukha – Sa tuwing hinahawakan mo ang iyong mukha, tila nagtatanim ka rin ng bacteria o germs dito. Ito ang nagiging sanhi minsan kung bakit ka nagkakaroon ng pimples at rashes.
Paglalaro sa iyong buhok – Minsan kapag wala kang magawa, pinaiikot mo sa iyong daliri ang iyong buhok, hindi mo alam, nagdudulot ito ng split ends at pagkakabuhul-buhol ng buhok.
Laging kinakagat ang labi – Akala ng marami, isang paraan upang pumula ang labi ay ang palagiang pagkagat dito, ngunit wala naman itong katotohanan dahil magdudulot lang ito ng pagkatuyot ng iyong labi. Sa halip na kagatin, maglagay sa iyong bulsa ng lip balm at lagyan na lamang nito sa tuwing mararamdaman mong natutuyot ang iyong labi.
Huwag kuskusin ang iyong mata – Ang balat sa paligid ng iyong mata ay masyadong sensitibo at manipis, kaya sa tuwing kukuskusin mo ang iyong mata ay namumula ito. Magiging sanhi rin ito para mairita ang iyong mata at mabilis na mapasukan ng germs na minsan ay nagiging sanhi ng “sore eyesâ€.
- Latest