Anong posisyon n’yo sa pagtulog?
Ito ay huling bahagi ng paksa kung anong ibig sabihin ng posisyon ninyong mag-partner kapag kayo ay natutulog. Narito pa ang ilang halimbawa:
‘Sweetheart Hug’ – Ito ang posisyon na ang lalaki ang nakayakap sa babae. Kung ito ang paborito ninyong posisyon kapag natutulog, kayo na ang tunay na “romantic soulsâ€. Nagpapakita rin ito na tunay na mas malakas ang mga lalaki at kaya niyang protektahan ang babae. Kung ganito ang posisyon ninyo noong mga unang taon ng inyong pagsasama at hindi ito nabago, tiyak na hindi rin nababawasan ang pagmamahalan ninyo sa bawat isa.
‘Honeymoon Hug’ – Kung kayo ay natutulog na magkaharap ang mga mukha, magkayakap at natutulog sa iisang unan, kapwa kayo naÂngangailangan ng seguridad at nais na palaging madama ang pisikal na katawan ng isa’t isa. Maituturing naman itong isa sa pinakaromantikong posisyon sa pagtulog. Nagpapakita kasi ito na sa isa’t isa ninyo kinukuha ang pagmamahal at emosyonal na pangangailangan. Karaniwan ang posisÂyong ito sa bagong mag-asawa matapos ang lovemaking.
‘Shingles’- Tinatawag din itong “Royal poseâ€. Nagpapakita ito na kapwa kayo may “strong personalities†at kaya ninyong harapin ang mundo dahil pareho kayong nakalapat ang likod sa kama. Pero, nagpapahayag ang posisyon na ito mas maunawain ang mga babae dahil ang paghiga sa balikat ng lalaki ay maituturing na pag-aabot niya sa lalaki. Ibig sabihin din nito ay mayroon kayong mataas na pagrespeto at pagtitiwala sa isa’t isa.
Gayunman, ayon sa mga psychologist, wala pa ring perpektong posisÂyon sa pagtulog, siyempre kung saan ka komportable, ‘yun ang gagawin mo. Kaya lang ngayong alam mo na ang ibig sabihin ng mga posisyong ito, maaari itong makatulong sa inyong relasyon upang mas lalo kayong maging “intimate†sa isa’t isa.
- Latest