Fengshui Tips
Ang kisame ng bahay
Sa Fengshui, ang wastong taas ng kisame mula sa sahig ng bahay ay 8 feet. O, kaya ay 4 feet ang space mula sa ulo ng pinakamataas na residente ng bahay. Ang mababang kisame ng bahay ay nagreresulta sa mabigat na pamumuhay ng pamilya.
Hangga’t maaari, huwag lalagyan ng beam ang kisame.
Pinturahan ng puti o kahit anong bright color ngunit huwag gumamit ng blue or black.
Paggamit ng chandelier
Magandang ilawan ng chandelier ang buong Southwest ng kabahayan. Dapat ay maliwanag ang ilaw na gagamitin at ito ay may nakasabit na mga crystal.
Ang kombinasyon ng fire ( ilaw) at earth (crystal) ay nagreresulta ng romance at love luck sa mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa bahay.
Walis Tambo sa Dining Room
Panatilihing nasa tagong lugar ang mga walis. Ang pakalat-kalat na walis ay nagreresulta ng pagkawala ng suwerte.
Lalong masama kung pakalat-kalat ito sa diÂning room dahil nagpapahayag ito na pagkawala ng hanapbuhay.
- Latest