^

Para Malibang

Ang iyong ‘sex life’

Pang-masa

Kapag nagkakaedad na ang isang tao isa sa mga naapektuhan ay ang kanyang “sex life”. Ang iba pa nga ay kung anu-anong iniinom para lang magkaroon ng libido.  Narito ang ilang paraan na ginagawa ng mga tao noong unang panahon para magkaroon ng gana sa sex.

Dugo ng cobra -  Ayon sa ilang pag-aaral, ang dugo ng ahas, lalo na ng cobra ay mahusay na “mood enhancer” at ginagamit na gamot sa ilang sakit.  Sa Indonesia, kung bibilhin ang dugo ng ahas, ito ay nagkakahalaga ng INR 500,000 – 1 milyon.

Artichokes – Bakit hindi mo subukan kumain ng artichokes?  Kapag kumain ka raw nito, mas magiging maganda sa iyong paningin ang iyong partner at tiyak na magkakaroon ka ng “mood” para sa kanya. Ayon sa isang website, ang artichoke ay mula sa Greek god na si Zeus. Nagalit kasi siya sa babaeng kanyang  gusto, matapos na hindi nito tanggapin ang kanyang pag-ibig, kaya ginawa niyang artichoke ang babae. Naniniwala ang mga matatandang griyego na maraming benepisyong makukuha rito bilang aphrodisiac, pampabango ng hininga at pang-alis ng mabahong amoy sa kilikili.

Penis ng tigre – Bagama’t wala pang matibay na paliwanag o patunay na ang pagkain ng ari ng tigre ay sex enhancer din, marami pa rin naniniwala rito lalo na sa mga bansang Vietnam, China at Cambodia. Kapag kumain ng ari ng tigre ay para ka na rin umanong uminom ng Viagra.

Sili – Kahit ang mga Pinoy ay naniniwalang may magandang dulot ang sili pagdating sa sex. Ang taglay kasi nitong capsaicin ang siyang responsible kaya nakakaramdam ng papapawis, pagbilis ng tibok ng puso at daloy ng dugo sa katawan. Ang pakiramdam na ito ay kagaya rin kapag nakakaramdam ng “sexual arousal”.

AYON

BAGAMA

BAKIT

DUGO

KAHIT

KAPAG

NAGALIT

SA INDONESIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with