Narito ang good feng shui kitchen guidelines:
Hindi nagsisiksikan, malinis, may hangin na pumapasok at tama ang liwanag ng bombilyang ginagamit upang fresh energy ang pumasok. Remember, ang pagkain ang nagbibigay ng energy sa pamilya. Kaya dapat lang na good energy ang dumikit sa pagkaing lulutuin sa kitchen.
Iwasang magkaroon ng dark corners sa kitchen. Dito titigil ang bad energy.
Stove/oven represents wealth. Itsek kung lahat ng burner ay walang sira. Lahat ng burner ay halinhinang gamitin. Kung halimbawa at front burner lang ang gagamitin, ito ay simbolo na kalahati lang ng family income ang napapakinabangan ng pamilya.
Magdispley ng alinman sa bowl of fresh fruit, fresh flower or healthy plant sa kitchen.
Ang kulay na mainam gamitin sa kitchen ay yellow dahil psychologically, nakakatulong ito sa digestion. Ang shade ng dilaw ay dapat na kasingputla ng yellow butter o kasingtingkad ng kalabasa.
Round plates ang mainam gamitin. Hindi naman bad feng shui ang square plate ngunit ito ay sumisimbolo sa mabagal at patigil-tigil na “movementâ€.
Ang kulay ng plato ay depende sa kakain: blue kung nagbabawas ng timbang; red or yellow kung nais mag-enjoy sa pagkain at white sa pangkalahatan.