^

Para Malibang

Ghost Train (58)

TALES FROM THE OTHER SIDE - The Philippine Star

KITANG-KITA ni Vincent sa laot ng dagat ang ghost train, pasalpok sa barkong nasa labas ng breakwater ng bay.

Napaigtad si Vincent, may masama bang mangyayari sa barko, kaya pasalpok dito ang nagmumultong tren?

Meron bang makakabanggang ibang barko ang natatanaw na sasakyang dagat?  Simbolo lang ba na ito’y ‘sasalpukin’ ng ghost train?

Lulubog ba ang barko at maraming masasawi?  Kaydaming tanong sa isipan si Vincent.

Hindi na siya nagtaka na ang mga katabing nakatanaw din sa dagat ay walang nakikitang kababalaghan. Kaytagal  nang hindi nagpapakita sa lahat ang ghost train; sa kanila na lang yata ni Nenita.

Napalunok ang binata, naalala na naman si Nenita. Bakit hindi man lang sinasagot ng dalaga ang kanyang mga text and calls?

Kung alam lang sana ni Vincent na si Nenita ay nawalan ng malay-tao, matapos lumungayngay ng ina nito at nang dumating ang nagmumultong tren.

Dapat sigurong itanong din ni Vincent sa eksperto—puwede bang sabay-sabay na magpakita ang tren sa magkakaibang lugar?

Sabay na nakita nina Vincent at Nenita ang ghost train.

Si Vincent nga ay sa dagat; si Nenita, sa mismong bahay nila—kung kailan nakahandusay na ang inang nakapamburol.

NATAUHAN na si Nenita. Saka nalaman na namatay sa heart attack ang pinakamamahal na nanay.

“Hu-hu-huu.  Inay, hindi po ako handa…bigla’y nag-iisa na ako, ulilang lubos na…” Nasa papag ang bangkay ng nanay ni Nenita; pinagyayaman ng mga kapitbahay. Dumating si Vincent. “Nenita, ano’ng nangyari?”

Yumakap sa binata si Nenita, hagulhol. “Iniwan na ako ng nanay ko, Vincent.  Wala na ang kaisa-isang kapamilya ko. Hu-hu-hu-huuu.”

 â€œPayapa na ang iyong nanay, Nenita. No more pain, hindi na magugutom, hindi na pahihirapan ng sakit.  Iyon na muna ang isipin mo.”

“Sinundo si Inay ng ghost train. Pero hindi ko nakita kung sumakay si Inay; kung ang kaluluwa ba niya ay mukhang maligaya; kung si Inay ba ay nasa Langit na…”  (DALAWANG LABAS)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

               

 

 

 

 

 

 

 

BAKIT

DAPAT

HU

INAY

NENITA

SI VINCENT

VINCENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with