Ghost train (30)
VIBES agad sina Dindi at Almond. Wala pang isang oras matapos tumalon sa ghost train ang binatilyo ay nakikipagtawanan na ito sa dalagitang may taning na ang buhay.
“Mabuti ka pa, Dindi, ang ganda ng pangalan mo. Ako, I hate being called Almond. Kung puwede lang ay Al na lang ang pakilala ko. Kaso merong mga taong aalamin pa ang full name ko.â€
“Gaya ko, tinanong ko talaga ang buong paÂngalan mo.†“At bumungisngis ka nang malaman mong Almond.†“Ang cute naman kasi, ‘no. I like it,†sinserong sabi ni Dindi. Napangiti ang binatilyo. “Really? Hindi ka nawiwirduhan? Hindi mo ako naia-associate sa chocolates and ice cream?†“No. I like you kahit ano ang name mo. Kahit pa siguro ikaw si Tembong.†“Ha-ha-ha-haaa! Tembong! Mas okay naman ang Almond!â€
Nagtama ang paningin nila. Parehong kumaba ang dibdib.
“Wait, Dindi…sabi mo’y ikukuwento mo kung bakit ako sinaklot ng ghost train. Puwede bang ngayon na?†Bumuntunghininga ang dalagita. “Okay, makinig ka. Brace yourself.†Nalaman ni Almond na may taning na ang buhay ni Dindi; mapalad na itong abutin ng tatlong buwan. Nalaman din ng binatilyo na huling hiling ni Dindi, sa ghost train, na maranasan nitong magka-boyfriend. Mangha si Almond. “Hiniling mong magka-boyfriend—at ako ang sapilitang kinuha ng ghost train?â€
“Well, hindi ko sinabing ikaw. Kahit ibang guys ay iwe-welcome ko.â€
Nagsimulang maghimagsik ang kalooban ni Almond. “Hindi ako binigyan ng choice ng ghost train na makatanggi. That is so unfair.â€
Nasaktan ang damdamin ni Dindi. “Para mo namang sinabi na ayaw mong maging boyfriend ko. Nakakainsulto ka.â€
Dumepensa agad si Almond. “Look, walang personalan. Kung hindi sana pilit, baka ako mismo ang manligaw sa ‘yo. You’re beautiful.â€
“Nambola ka pa. Puwede ka nang umalis. Salamat.â€
Hindi ang ghost train ang naghatid kay Almond sa bahay nito; si Vincent. Nag-hire ng taxi ang binata.
Inaresto si Vincent, napagbintangang kampon ng ghost train. ITUTULOY
- Latest