^

Para Malibang

Ghost train (29)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NIYUGYOG ni Dindi ang binatilyo. Guwapo ito, halatang mula sa buena familia.

“Hey, gumising ka! Bawal ka pang mamatay! Meron ka pang misyon sa akin! You must love me!”

Ayaw nang bawiin ni Dindi ang nasabi. Napapatingin sa kanya ang  kanyang Kuya Vincent.

“Ang hiling ko sa ghost train, natupad. Heto na ang binatilyong magiging boyfriend ko, Kuya Vincent. Feel ko.”

Umungol ang guwapong teener. “Uuunn.”

Nabuhayan ng loob si Dindi. “Mabubuhay siya. Thank God.”

Tumulong si Vincent sa pagbuhat sa binatilyo.

“SAAN ako naroon?” nagtatakang sabi ng binatilyo. Si Dindi ang nakabantay sa tabi nito. “Ikaw na ba ang anghel? N-namatay na ba ako?”

“Narito ka sa living room namin,” sagot ni Dindi, nakangiti. “Hindi ako anghel. Buhay ka pa.”

Nag-isip ito. Inalala ang mga pangyayari.

“Isinakay ako ng ghost train, sapilitan. Nagla­laro  ako ng basketball with my friends, sa covered court…”

Nakikinig si Dindi, patuloy sa paggamot sa mga gasgas ng binatilyo.

“Imagine, miss, bigla akong naging sakay ng ghost train. Takot na takot ako. Ang alam ko, nangunguha ng kaluluwa ang tren…”

Nakangiting pinayapa ng dalagita ang guwapong teener. “Ikukuwento ko sa iyo kung bakit ka sapilitang kinuha ng ghost train. Pero first things muna—tell me your name.”

Saglit lang nag-ala­nganin ang teenager. “Okay,  ako si Al.”

“Full name mo ba ay Alfonso? Or maybe Alfredo? Baka naman ang tawag sa iyo ay Allan?”

Umiling ang binatil­yo. “Ako si…Almond.”

Natigilan ang dalagitang may taning ang buhay. “A-Almond?”

Tumango ang binatilyo. “Oo, lumalagapak na Almond. Ang lola kong mahilig sa almond ang nagpangalan  sa’kin.”

“Hi-hi-hiii.  Unique ang name mo, Almond.”

“Kapag professional na ako at mayaman na, ipepetisyon ko sa korte na magpapalit ako ng pangalan.”

 (ITUTULOY)

A-ALMOND

AKO

ALFREDO

AYAW

BAWAL

DINDI

KUYA VINCENT

SI DINDI

THANK GOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with