GHOST TRAIN (24)
UMIIYAK na sa pag-aalala sa ama si Dindi. “Ngayon lang na-delay nang husto ang tatay ko, Kuya Vincent. Baka kung ano na ang nangyari.â€
“Dindi, siguro’y natrapik. O baka naman nag-overtime,†sabi ni Vincent. “Huwag ka bang masyadong negative…â€
“Supertipid ang tatay ko, Kuya Vincent, mula sa palengke ay naglalakad ‘yon hanggang dito—para makatipid kahit konti. Pandagdag daw sa pambili ko ng gamot…â€
“Oo, alam ko na ‘yon. Pagdating nga ng tatay mo, bibigyan ko agad ng maraming pera, para hindi na masyadong namumrublema sa iyo, Dindi.â€
Naibalik na sa kanya ni Dindi ang perang ipinatago. “Wala namang duda na tutulungan mo si Itay, napakabait mo sa amin , Kuya Vincent. Pero masama talaga ang kutob ko…â€
“Dindi naman….â€
“Kuya Vincent, overweight ang tatay ko, lagi pang puyat bilang security guard. Baka inatake na pala siya’y hindi ko pa alam…†Humagulhol na si Dindi.
Niyakap ni Vincent ang dalagitang may taning na ang buhay.
Biglang bumukas ang pinto, bumungad ang taong putlang-putla at babagsak na yata.
Bumagsak nga, sa mismong sahig na tabla. Blaagg.
Napasigaw si Dindi. “Itaayy!â€
Ang ama nga ng dalagita ang dumating, dinaluhan agad ni Vincent.
“Itay! Huwag mo akong iiwan, utang na loob!â€
Latag ang katawan ng may-edad na ama ni Dindi. Hindi magkandatuto sa pagpulso dito si Vincent.
“P-Patay na ba si Itay?â€
Gumalaw bigla ang sekyung ama. Umungol. “Uuunnn.â€
“B-Buhay si Itay!†sigaw ni Dindi.
“Tubig…bigyan n’yo ako ng tubig,†sabi ng ama, umupong tuwid na tuwid, naliligalig ang anyo.
NANG mahimasmasan ay nagkuwento ito kina Dindi at Vincent.
“Naglalakad na akong pauwi, sa madilim na shortcut na walang katau-tao…bigla akong hinabol ng ghost train…â€
(ITUTULOY)
- Latest