Bipolar’ ka ba? (1)
Bipolar disorder ay isang mental disorder na kung saan ay mabilis na nagbabago ang mood at pagbabago ng sigla at lebel ng aktibidad. Sa panahon ng abnormal na pagbabago, ang pasyente ay nahihirapang matapos ang kanilang ginagawa. Ito ay kilala rin bilang manic-depressive illness. Bipolar disorder ay isang seryosong sakit sa pag-iisip na maaaring makasira ng relasyon, career, at maaaÂring mapektuhan nito ang pag-aaral ng pasyente. Ayon sa American Psychological Association1 ang pagbabagong ito sa damdamin ay nagpapalakas sa silakbo ng damdamin na maaaring maging dahilan ng pagpapakamatay ng pasyente. Ang sakit na ito sa pag-iisip ay maaaring gumaling sa pamamagitan ng tamang pangangalaga at tamang gamutan sa pasÂyente upang maging maayos at produktibong buhay.
Anu-ano ang senyales at sintomas ng bipolar disorder?
* Pakiramdam ay nasa tuktok ng mundo, sobÂrang saya at galak
* Sobrang tiwala at pag tingin sa sarili.
* Madalas mawalan ng pasensya.
* Sobrang daming sinasabi at masyadong mabilis magsalita
* Mabilis magpapalit-palit ng pananaw.
* May mapanganib na pag-uugali katulad ng kawalan ng delikadesa, pag abuso sa iligal na droga at alcohol at gumagawa ng mga mapanganib na aktibidad
* Naglulustay ng pera sa mga bagay na walang halaga
* Hirap maka-concentrate at madaling ma-distract. (Itutuloy)
- Latest