^

Para Malibang

Ghost train (21)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SINAMAHAN ni Vincent sa pag-uwi si Nenita na dala ang kalahating milyong piso. Minsan pa silang nag-taxi.

“Naa-appreciate ko ‘tong paghahatid mo sa akin, Vincent. At least ay hindi ako kakabakaba dito sa pera,” bulong ni Nenita.

“Walang anuman ‘yon,” sabi ni Vincent. Sinen­yasan si Nenita na huwag magkamaling i-discuss ang malaking pera habang nasa taxi.

Nakuha naman agad ng dalaga ang ibig sabihin ng binata. “Thanks for reminding me, Vincent.”

May nais sabihin ang binata na halatang hindi masabi. “Alam kong naiiba ang gusto mong sabihin, Vincent, what is it?”

“Baka ka manampal, e.”

“Sasampalin ko ang kaibigan kong pinagkakatiwalaan? Vincent, hindi naman ako gano’n.”

“Baka kapag sinabi ko, ayaw mo na akong makita.”

“Ano ka ba? Just tell me, okay?”

Huminga muna nang malalim ang binata, saka hiyang-hiya na nagsabi ng hindi masabi-sabi.

“Nenita, I think, ikaw ang soulmate ko.”

Napaigtad si Nenita sa narinig. Napalunok nang maraming beses.

Na-bother si Vincent. “Sabi ko na nga ba,  maa-upset ka…”

Umiling si Nenita, nahihiyang nginitian ang binata.

“Sasampalin mo na ba ako?” kinakabahang tanong ni Vincent.

Umiling muli si Nenita, nagba-blush. “Actually…iyon din ang laman ng isip ko, bago mo nasabi.”

“Iniisip mo ring tayo ay soulmates, Nenita?”

“Yes! Pakiramdam ko’y matagal na kitang kaibigan at kailangan natin ang isa’t isa, Vincent.”

Screech. Ingit ito ng taxi. Biglang preno kasi ang taxi driver. Napasubsob sina Vincent at Nenita.

“Nakita n’yo ‘yon, mga bossing? Biglang nagdaan sa harapan natin ang ghost train! Totoo ang ghost train!” bulalas ng taxi driver.

Natigilan ang binata at dalaga, nagtataka.

Hindi nila nakita ang ghost train. 

(ITUTULOY)

ALAM

ANO

BIGLANG

HUMINGA

INGIT

NENITA

SASAMPALIN

UMILING

VINCENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with