^

Para Malibang

‘Cool’ ka lang!...

Ms. Jewel - Pang-masa

Maraming tao ang nagtataka sa kanilang sarili bakit kakaunti ang kanilang mga kaibigan o di kaya ay mga taong nais lumapit sa kanila. Ang resulta nito ay pagi­ging mapag-isa, siyempre, kasi wala ngang gusto lumapit at makipagkuwentuhan sa’yo. Dapat mong pag-aralan ang iyong itsura sa salamin at tingnan kung ano ba ang itsura mo kung ikaw ay mag-isa lang at walang kausap. “Approachable” ka ba tingnan? O baka naman ang tingin sa’yo ng ibang tao ay tipong kapag ikaw ay nilapitan ay maninigaw ka na lang bigla. Narito ang mga dapat mong gawin upang magmukha kang “approachable”:

Maging-“cool” – Dapat mong ikonsidera ang iyong mga aksiyon kapag ikaw ay nag-iisa. Kapag palaging nakahalukipkip ang iyong mga braso at kamay, indikasyon ito na ayaw mong makipag-usap sa ibang tao. Sa halip na ganito ang iyong gawin, mas mabuti pang tumayo o maupo ka na lang habang may kaunting ngiti sa iyong mga labi.

‘Wag maging abala – Pilitin mong maging normal at ‘wag mong abalahin ang iyong sarili sa paglalaro sa iyong buhok, kuko o iba pang gawain na nagbibigay ng indikasyon na hindi ka komportable na makisalamuha sa ibang tao. Kung ang tingin ng tao sa’yo ay may kumpiyansa, tiyak na lalapitan ka ng ibang taong nasa paligid mo at kakausapin ka upang hindi ka mainip.

Smile – Kung nakikita ka ng mga tao na palagi kang nakasimangot o pormal ang iyong mukha, tiyak na walang lalapit sa’yo para makipag-usap. Ang pagkakaroon ng natural at napakagandang ngiti sa iyong mukha ang mag-iimbita sa mga taong nakapaligid sa’yo na ikaw ay kausapin nila. Huwag kang magpapakita ng pekeng ngiti dahil nararamdaman din naman ito ng taong iyong nginingitian. Kahit nakikipag-usap ka, pilitin mo pa rin na ngumiti sa kanila upang ipaalam na nag-e-enjoy ka na makipag-usap sa kanila.

Makipag-usap sa iba – Kung hindi ka kumikibo sa ibang tao, paano ka naman din nila kikibuin? Magiging palakaibigan ang tingin sa’yo ng ibang tao kung paminsan-minsan ay ikaw naman ang unang makikipag-usap sa kanila. Wala naman mawawala sa’yo di ba? Mas madaling makisalamuha sa isang taong nakikipag-usap na sa ibang tao, kumpara sa taong nakatayo lang sa isang tabi.

Kahit pa gaano ka kaganda at katalino, kailangan na magmukha kang “approachable” o madaling makausap o malapitan, upang hindi maging “boring” ang iyong araw.

DAPAT

HUWAG

IBANG

IYONG

KAHIT

KAPAG

TAO

USAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with