Mumunting Depensa ng Katawan (2)
Narito pa ang ilang sintomas ng lumalalang tonsillitis:
• Kawalan ng ganang kumain
• Pananakit ng tenga
• Hirap makalulon o huminga sa pamamagitan ng bibig
• Namamagang glands sa leeg o panga
• Lagnat
• Mabahong hininga
Ang mga sintomas sa mga bata ay katulad ng:
• Pagkahilo
• Pagsusuka
• Pananakit ng tiyan
Gamutan para sa Tonsillitis
Ang gamutan sa tonsillitis sa sanhi nito. Para malaman ang sanhi nito ang ating pinagkakatiwalaang doctor ay agad nagsasagawa ng rapid strep test o throat swab culture. Ang parehong nabanggit na pagsususri ay marahang nagpapahind ng bulak sa hulihang bahagi ng lalamunan na malapit sa tonsils. Sa lab test ay maaaring matuklasan ang bacterial infection. Ang viral infection ay hindi malalaman sa ganitong pagsusuri kapag ang resulta sa bacteria ay negatibo.
Sa pagsusuring ito malalaman ang bacteria at upang lubos na gumaling ay nangangailangan ng antibiotics upang malunasan ang impeksyon.
- Latest