Ghost train (4)
PARANG batang humagulhol kay Nenita ang inang sakitin, mahigpit ang yakap, nanginginig sa nerbiyos. “Huwag mong payagang kunin ako ng tren, anak. Ayokong iwan ka. Hu-hu-hu-huuu.â€
“Hindi po ako papayag, Inay. Panay nga ho ang isip ko ng paraan. Lalabanan natin ang tren.†Napaiyak na rin si Nenita.
“Kapag naiwan kita ngayon, anak, kapag kinuha ako ng tren, manganganib ka sa mga manyakis. Alam nilang virgin ka at napakahinhin. Gusto nilang pagsamantalahan ang mga tulad mong helpless. Hu-hu-huuu.â€
“Inay, hindi ho kayo aalis, hindi nga ako papayag. Magkamatayan na muna kami ng tren!â€
“Iinom ako ng fruit juice saka vitamins, lahat ng pampalusog, anak. Hindi lalala ang sakit ko sa puso at sa lungs. Mawawalan ng dahilan ang tren na kunin ako!â€
Niyakap lalo ni Nenita ang ina. Hindi masabi ang pahayag sa kanya ng duktor--na ang ina ay touch-and-go na; na mapalalawig lang ang buhay nito ng tutok na pag-aalaga.
“Kaya nga huwag ka munang magbo-boyfriend, Nenita, anak. Para magtagal ang buhay ko.â€
SA GULANG na 23 wala pang nobyo si Nenita. Sinadya ng dalaga, para nga maalagaan nang husto ang ina.
Naniniwala si Nenita na panggulo lang, hassle, sa buhay kung ngayon siya magbo-boyfriend.
Pati nga trabaho ni Nenita ay walking distance lang, sa isang beauty salon. Hairdresser-makeup artist ang mahinhing dalaga.
SA KABAYANAN, nagkagulo ang mga tao sa loob ng palengke.
“Eeeee! Aaahhh! Takbo! Takbooo!â€
Pumasok sa palengke ang ghost train, bigla, walang babala. Sa dry goods section dumaan, nananagasa ng mga tao sa pasilyo-- pero hindi nakakasakit, kasi nga’y multo lamang. Pero ang takot ay bumabaliw sa mga naroon. “Puro patay ang sakay! Diyos na mahabagin!†Tatlong mga may-edad ang inatake sa puso—dalawang ginang na namamalengke at isang mataderong mataba. Naglahong bigla ang ghost train. (ITUTULOY)
- Latest