^

Para Malibang

Pagdidispley ng Family Picture

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Kung nais na idispley ang inyong family portrait, dapat ito ay malaki upang makahigop ito nang sapat na good  energy. Ang size ay ‘yung makikilala mo ang bawat mukha na nasa litrato kahit malayo ang kinatatayuan mo.

Idispley ito sa lugar na madalas mag-ipon-ipon ang pamilya. Ang lugar ay dapat na pinapasok ng sinag ng araw at may maliwanag na ilaw kung gabi.

Ang salas ang magandang lugar na paglagyan ng family portrait pero iwasang ilagay sa tapat ng main door. Ang epekto ay magiging layas ang bawat miyembro ng pamilya. Mas gugustuhin nilang la­ging nasa pasyalan kaysa tumigil ng bahay.

Huwag ilalagay ang portrait sa tapat ng toilet door o isasabit sa pader na ang nasa kabilang panig ay toilet. Ang bad energy na nagmumula sa toilet ay tatama sa mga taong nasa portrait. Huwag din isasabit ang portrait sa tapat ng ilalim ng toilet na nasa second floor.

Iwasang ilagay ang portrait sa ilalim ng exposed beam o tapat ng kanto ng pader. Ito ay mga poison arrow na tatama sa inyong litrato.

Mainam na ang portrait ay nakaharap sa lucky direction ng ama o ina ng tahanan.

Huwag isasabit ang portrait sa kinalalagyan ng altar.

Huwag ilalagay ang portrait sa ilalim ng hagdanan. Kahalintulad ito ng pagtapak sa suwerte ng mga taong nasa litrato.

Huwag ihaharap ang portrait sa kitchen o stove dahil nagdadala ito ng negative energy sa litrato.

 I-check taon-taon sa mga horoscope magazine o sa feng shui expert kung ano ang malas na direksiyon sa taon kasalukuyan para iwasan mong ilagay sa malas na direksiyon ang inyong family portrait.

 

 

 

 

HUWAG

IDISPLEY

IWASANG

KAHALINTULAD

MAINAM

NASA

PORTRAIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with