Dalawa ang penis (2)
Sa katunayan, nakakatulong ang Nocturnal Penile Tumescence para matukoy ang sanhi ng erectile dysfunction.
Kung ang sanhi ng erectile dysfunction ay psychological, nagkakaroon pa rin ng NPT.
Maaaring gumamit ang mga doctor ng electronic monitoring para malaman kung mayroon silang nighttime erections.
20 calories sa semen - Ang isang kutsara ng semen ay tinatayang may 20 calories. Ang semen ay mayroon zinc at calcium na nakakatulong bilang panlaban sa tooth decay. Ang isang tipikal na ejaculation ay 150 mg ng protein, 11 mg ng carbohydrates, 6 mg fat, 3 mg cholesterol, 7% US RDA potassium at 3% US RDA copper at zinc.
Ang protein content ay halos pareho sa egg white. Sinasabing ang mga babaeng exposed sa semen ay hindi nagkakaroon ng depression. May mga pag-aaral na ang seminal plasma ay panlaban sa cancer, particular ang breast cancer.
Allergic ang mga lalaki sa sariling semen.
Alam n’yo bang maaaring maging allergic ang mga lalaki sa sarili nilang semen?
Ang kakaibang kondisyong ito ay tinatawag na post orgasmic illness syndrome.
Nagkakaroon ng flu-like symptoms pagkatapos mag-climax! Ang mga sintomas na maaaring tumagal ng isang linggo ay lagnat, parang pagod, mainit ang mata at runny nose.
Ayon sa mga pag-aaral, ang kondisyong ito ay allergy at hindi psychologically based. May treatment na tinatawag na hypsosensitation therapy ay makakabawas sa sintomas. (Itutuloy)
- Latest