Tip kung Magpapalitrato ang Pamilya
1. Dapat ay kasama sa litrato ang lahat ng miÂyembro ng pamilya. Sa madaling salita, walang absent.
2. Ang ama at ina ay magkatabi samantalang ang mga anak ay nakapalibot sa kanila.
3. Ang ama ay dapat na naka-formal attire. Iyong bihis ng isang matagumpay na ama ng tahanan.
4. Magsuot ang ina ng magandang damit. Mainam kung ito ay kulay pula.
5. Isuot ng ina ang kanyang magandang alahas upang magmukhang sosyal at mayaman.
6. Ang mga lalaking anak ay mag-formal attire rin para magmukha silang asensado kagaya ng kanilang ama.
7. Ang bihis ng mga anak na babae ay dapat na magbibigay sa kanila ng impresyon na charming, sweet at disente.
8. Ipahalata ng ina at ama sa kanilang “pose†na sila’y close at labis na nagmamahalan.
9. Ibigay ng lahat ang kanilang pinakamagandang ngiti pag-klik ng kamera. Hindi maganda kung may isang nakasimangot.
10. Hilingin sa photographer na ayusin kayo sa pormang circle, square o triangle.
- Latest