^

Para Malibang

Naghihintay sa wala

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa po akong nurse. Ang problema ko ay nagkakalabuan na kami ng bf ko after more than 3 years ng aming relasyon. Isa po siyang medtech. Nag-promise kami na 2 years after graduation ay magpapakasal kami. Pero nakadalawang taon na akong nagtatrabaho sa isang ospital, ang hinihintay kong marriage proposal ay hindi na dumating. Ipinagpatuloy kasi niya ang pag-aaral sa medicine. Kaya sa sama ng loob ko nag-apply ako ng trabaho abroad. Dumalang na ang komunikasyon namin. Lagi niyang sinasabi wala rin siyang panahon sa pag-email dahil hirap siya sa pag-aaral. Hanggang nanawa na rin ako ng pakikipagkomunikasyon sa kanya. Parang nanabang na ako.  Ano po ba ang dapat kong gawin? Wala kaming formal break-up at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko na siya mahihintay. - Myka

Dear Myka,

Karaniwan ang long engagement ay nauuwi sa paglalaho ng pagmamahal sa isa’t isa ng magkasintahan. Sa tingin ko, hindi pa handa ang bf mo sa pagpapamilya. Mas mataas pa rin ang hinahangad niya sa buhay at ito ay ang maging isang doktor. Pero unfair ito sa’yo dahil parang naghihintay ka sa wala. Nanghuhula ka kung kayo pa ngang dalawa. Kung pinahahalagahan niya ang inyong relasyon, hindi mahirap gawin ang mag-email o mag-message man lang lalo na’t napakaraming way ngayon para makipag-communicate dahil sa makabagong technology. Kung pakiramdam mo ay pinabayaan ka na niya, mabuti ngang makipag-break ka na lang. Habang naghihintay ka sa kanya nang wala namang malinaw na assurance kung may hinihintay ka nga, maraming magagandang pagkakataong mawawala sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

DEAR MYKA

DEAR VANEZZA

DUMALANG

HABANG

HANGGANG

IPINAGPATULOY

ISA

KARANIWAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with