^

Para Malibang

Gulay sa Mahal na araw

Ms. Jewel - Pang-masa

Ngayong Mahal na Araw, tradisyon na ang hindi pagkain sa mga panahong ito bilang bahagi ng pagtitika, kaya naman ang mga kusinera sa bahay ay nahihirapan rin minsan mag-isip kung anong masustansiyang pagkain ang ihahain nila sa lamesa. Siyempre kung masustansiyang pagkain ang pag-uusapan, hindi mawawala ang gulay. Kaya narito ang ilang uri ng gulay at sustansiyang hatid nito sa ating katawan:

Bataw – Kilala rin bilang bean pod, mayaman sa folate kaya nakatutulong para maiwasan ang stroke. Mahusay din itong pagkunan ng manganese at potassium.

Patani – Minsan napagkakamalan din itong bataw, mabuti naman itong kainin ng mga anemic dahil sa taglay na riboflavin na nakakatulong sa produksiyon ng red blood cells. Nagtataglay din ito ng niacin at phosphorus  na tumutulong para mas mapalakas at mapadami ang good cholesterol sa katawan at mapatibay ang buto at ngipin.

Kundol – Tinatawag din itong winter melon at kilalang gamot sa kidney at pampatanggal ng bulate. Kapag niluto ang buto nito at sinamahan ng gatas, nakakatulong ito para magkaroon ng sapat na sperm count ang lalaki.

Patola – Sa English ito ay “luffa”. Mahusay pagkunan ng vitamin A, E, C at potassium.

Upo – Sinisipsip nito ang cholesterol sa iyong katawan dahil sa taglay na vitamin C, A at potassium.

BATAW

KAPAG

KAYA

KILALA

KUNDOL

MAHUSAY

MINSAN

SA ENGLISH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with