Hadlang sa plano
Panaginip: Madalas akong managinip na nasa school at nag-aaral pa kahit 59 years old na. Kaya lang ay parang lagi akong nawawala—hindi ko makita ang gate ng school o naliligaw ako ng classroom samantalang kailangan kong magmadali dahil may exam ako. May eksena pa na hinahanap ko ang aking locker dahil naroon ang aking assignment na kailangan ko nang ipasa sa propesor.--- Lola Liv
Interpretation: Ang iyong panaginip ay nagpapahayag na may hinahanap ka pa sa iyong buhay. Maaaring ito’y karagdagang kaalaman tungkol sa sa isang bagay dahil school ang main setting ng iyong panaginip. Interesado kang matuto sa isang bagay ngunit may mga hadlang o pang-abala kaya hindi mo maisagawa ang iyong plano.
- Latest