Aswang family (74)
“O, BAKIT ka natulala, Tandang Mameng? At bakit para kang hindi natuwa sa gagawin ko? Sa halip purihin mo ako, para ka pang suklam na suklam sa akin?†napapailing na sabi ni Adwani a.k.a. Bad Fairy.
“Hindi mo kami maaring burahin, Adwani! Hahadlangan ka namin! Mananatili ang aming pamilya!â€
Napatanga si Adwani. nawirduhan sa sagot ng mortal. “Pareho pala kayo ni Tandang Sotero, Tandang Mameng. Mahihina ang IQ n’yo.â€
Kumumpas ang masamang diwata. Sumagitsit ang liwanag mula sa daliri. Sa isang iglap ay nagprodyus na naman ng magic.
POP. Isang karuwahe na Circa 1890s ang lumitaw, kumpletong may puting kabayong may pakpak.
Mangha si Aling Mameng habang sumasakay na sa karuwahe ang malaprinsesang bad fairy.
“Hahanapin ko si Lelong Sotero, Lelang Mameng. Para sabay-sabay kong buburahin ang Aswang Family.
“Sayonara, Lelang Mameng!â€
Umangat sa lupa ang karuwahe, lumipad na ang kabayo nito, lulan si Adwani. “Maligo ka, Impong Mameng! Amoy-panis ka! Ha-ha-haa!â€
Gigil na gigil si Aling Mameng—hindi malaman kung maiinggit o masusuklam sa napakaganda at napakabata pa ring masamang diwata.
Naalalang buburahin nito ang Aswang Family, nagsisigaw na sa galit. “Kasumpa-sumpa ka, Adwani! Kunin ka na sana ni Lord! Itapon ka na Niya sana sa impiyernooo!â€
Naglaho na sa ulap ang karuwahe at kabayo, pati na si Adwani.
SA MUNTING isla sa Pacific Ocean, ang kapreng bading ay nakatulog na gutom at uhaw.
Pero naka-makeup. Lipstick, blush on.
Napakapangit pagmasdan ang bading na kapreng puro makeup.
IBA ang lumiligalig kina Shalina at Greco habang nasa bahay na bato.
“Paano nga kung minalas na nagbunga ang panghahalay ni Iskong sintu-sinto sa pang-ibaba kong katawan, Greco?â€
“Kapag nangyari iyon, Shalina, patawarin ako ng Diyos—tuluyan ko nang papatayin ang sintu-sintong ‘yon! Salot siya!†(3 LABAS)
- Latest