Aswang family (69)
ANG TOTALLY NAKED na magandang babaing naglalakad sa ibabaw ng karagatan—sa Pacific Ocean—ay si Adwani. Ang modernang bad fairy ay hindi namatay sa aksidente; buhay na buhay pa rin.
Pero hindi na niya alam kung manlulumo o matutuwa na siya ay ilang siglo nang nabubuhay sa mundo.
“Nakasalamuha ko na sina Rizal at Bonifacio, ang mga prayle at mga illustrado ng Pilipinas Circa 1890s.
“Naabutan ko pa nga sina Magellan at Lapulapu, pati ang mga lakan at datu…nakipaglaro rin ako sa mga orihinal na katutubo ng Luzon…
“Super-tanda na ako at ako’y…hindi na masaya…pagod na pagod na kahit pa nga hindi naman tumatanda ang aking mukha at katawan…†napakahabang pagbabalik-tanaw ni Adwani sa nakaraan.
“And all those years, ang naging papel ko ay ang pagiging masama, a bad fairy…â€
Hanggang naganap ngang siya ay naging superhero ng mga lulan ng eroplanong bumagsak sa dagat.
“Napakasarap sa pakiramdam na ako’y itinuring na bayani ng mga iniligtas kong pasahero at crew…â€
KATAK-KATAK-KATAKK.
Saka lang napansin ni Adwani na siya pala ay sinusubaybayan na ng helicopter na nasa himpapawid, mababa ang lipad.
At tuwang-tuwa ang lulang piloto at kasama—kinukunan ng video at digital photos ang kanyang kahubaran, habang siya’y naglalakad sa ibabaw ng Pacific Ocean.
Sa halip magalit o mahiya, at itago ang nakedness, lalo pang ibinuyangyang ng bad fairy ang kahubaran.
Nagtatawa pa, naghahamon. “Sige, guys! Enjoy!â€
Pero umiral ang pagiging masama ng moÂdernang diwata. “DIE, BASTARDS! DIE!â€
Biglang umese-ese ang lipad ng helicopter, umingay ang makina habang pa-dive. Kro-oo-oorr. Kro-o-orr.
Hindi na nakaÂbawi, tuluy-tuloy sa dagat; sumabog. KABLOOMM.
Tinawanan lang ito ni Adwani. “Ha-ha-ha-haa!â€. (ITUTULOY)
- Latest