^

Para Malibang

Buhay ng penis (2)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Base sa mga isinagawang research, nakumpirma na ang kinatatakutan ng mga lalaki na nagbabago ang penis kapag tumatanda na. Nagbabago ang itsura at ang size ng penis, kasabay ng pagbabago ng kanilang sexual performance.

Pagbabago sa itsura -  May dalawang malaking pagbabago sa penis kapag nagkakaedad na. Ang ulo ng penis o glans ay unti-unting pumupusyaw ang pagkakulay ube nito. Ito ay bunga ng bumababa o bumabagal na pagdaloy ng dugo. Unti-unti ring nababawasan ang pubic hair.

Ayon kay Irwin Goldstein, MD, director ng sexual medicine sa Alvarado Hospital sa San Diego at editor-in-chief ng The Journal of Sexual Medicine, dahil bumababa na ang testosterone level, nawawala ang mga pubic hair

Pagbabago ng penis -  Karaniwang tumataba ang mga lalaki kapag nagkakaedad na.  At dahil naiipon ang taba sa lower abdomen, nagbabago rin ang size ng penis.  Ayon kay Ira Sharlip, MD, clinical professor ng urology sa University of California, San Francisco,  kapag malaki ang prepubic fat pad, kung titingnan ang penile shaft, ay parang maigsi ito.

Ayon naman kay Ronald Tamler, MD, PhD, co-director of the Men’s Health Program sa Mount Sinai Hospital sa New York City, may pagkakataong natatabunan na ng abdominal fat ang penis. (Itutuloy)

ALVARADO HOSPITAL

AYON

HEALTH PROGRAM

IRA SHARLIP

IRWIN GOLDSTEIN

JOURNAL OF SEXUAL MEDICINE

MOUNT SINAI HOSPITAL

NEW YORK CITY

PAGBABAGO

PENIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with