^

Para Malibang

Utak o puso

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Nakipag-break po ako sa first love ko bago siya sumampa ng barko. Tapos po may kaopisina ako na dati nang nagbabalak manligaw sa akin ang siyang naging taga-aliw ko. Ngayon bumabalik ang first love ko at nagyayang pakasal kami. Napag-isip-isip daw niya na hindi niya kaya nang wala ako sa buhay niya. Kami na po ngayon ng ka-officemate ko at inaalok na rin niya ako ng kasal. Alam ng ka-opisina ko ang tungkol sa una at ang muling panunuyo nito. At alam kong nagseselos siya. Pero nasa akin daw kung sino ang pipiliin ko. Nahihirapan po akong magdesisyon. Boto sa ka-officemate ko ang pamilya ko dahil binalik daw nito ang tiwala ko sa pag-ibig kumpara sa first love ko na pinaiyak lang ako. Gusto ng puso ko ‘yung una pero ang sabi ng utak ko itong present ang piliin ko. Hindi ko alam kung puso o utak ang paiiralin ko sa pagpili ng lalaking makakasama sa buhay.  - Yoli

Dear Yoli,

Mahalaga na matiyak mo kung sino sa kanila ang tunay at tapat na nagmamahal sa’yo. Isaalang-alang mo rin ang payo ng iyong magulang. Mula rito ay timbangin mo ang sinisigaw ng iyong puso at ang idinidikta ng iyong isip. At kung saan ka maligaya siya ang piliin mo para wala kang pagsisihan sa sandaling piliin ang sa tingin mo’y mas nararapat sa kanila. Manalangin ka rin na gabayan ka ng Diyos sa gagawin mong desisyon.

Sumasaiyo,

Vanezza

ALAM

BOTO

DEAR VANEZZA

DEAR YOLI

DIYOS

ISAALANG

MAHALAGA

MANALANGIN

MULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with