Ang Galaw ng Kamay
Sinungaling at manloloko ang taong nananatiling nakasara ang kamao habang ito’y nakalaylay sa gilid ng kanyang katawan.
Ngunit kung ilang daliri lang ang tila laging nakasara at hindi ang buong kamao, siya’y maingat at mapagkakatiwalaan.
Kung mahigpit ang pagkakasara ng kamao habang nakalaylay ang mga ito, siya’y mahilig makipagbasag-ulo.
Ang taong hindi mapakali ang kamay—itataas, maya-maya ay ibababa; o di kaya ay labas-masok sa bulsa—ay may strong character pero kailangang gabaÂyan dahil wala siyang kontrol sa kanyang emosyon.
Ugali mo bang i-touch ang kamay o braso ng iyong kausap habang nagsasalita ka? Kung ganoon, ikaw ay mapaghinala sa kapwa.
Ang taong walang tigil sa kalalaro ng isang bagay sa kanyang kamay ay excited sa isang bagay.
Mahinahon ang taong mahilig pagdaupin ang kanyang mga palad sa kanyang harapan.
Hindi tapat makisama ang taong mahilig magkiskis ng palad na parang naghuhugas ng kamay.
Ang taong pinagdadaop ang palad sa kanyang likuran ay sobrang ingat kaya’t nahihirapang bumuo ng isang desisyon.
- Latest