Alagaan ang kilikili
Maraming kababaihan ang nagkakaroon ng suliranin sa kanilang kilikili o underarm. Minsan ang pagsusuot pa nga ng sleeveless o mga damit na walang manggas ang isa sa mga nagiging frustrations ng mga babaeng may problema dito. Paano nga ba masosolusyunan ang problema sa kilikili? Narito ang ilang paraan:
Pagpapawis ng kilikili - Diyahe minsan, sa iyong pakikipag-date dahil sa magkahalong kaba at excitement ay pinapawisan ka. Ang masaklap pa, sa kilikili mo bumubukal ang tone-toneladang pawis. Kaya presto! Ang basang-basa ang damit sa ilalim ng iyong braso. Ang tawag dito ay “Axilliary hyperhidrosisâ€. Nakaka-turn-off ito sa lalaki, ngunit doble nito ang sa mga babae. Kaya dapat mong agapan ang sakit na ito ng iyong kilikili. Bakit hindi mo subukan na gumamit ng deodorant na mayroong antiperspirant? Pipigilan nito ang iyong kilikili na magpawis ng sobra. Gumamit nito araw-araw upang makontrol ang pagpapawis ng kilikili. Makakatulong din ang pagsusuot ng damit na may telang cotton, silk at linen.
Pamumula o rashes – Ang pamumula at pagkakaroon ng rashes ng iyong kilikili ay sanhi minsan ng maling uri ng deodorant na iyong ginagamit. Dala din ito ng pag-aahit ng buhok sa kilikili. Sensitibo kasi ang balat sa kilikili. Ang solusyon pa rin dito ay ang tamang pagpili ng deodorant. Piliin ang non-scent deodorant o yun mga reseta ng pinagkakatiwalaang dermatologist. Humanap ng deodorant na may sangkap na skin conditioner.
Hindi pantay na kulay – Maraming naiinis kapag maitim ang kanilang kilikili. Ito ay maaaring dahil sa dead skin cells sa kilikili o kaya ay hyperpigmentation at hindi balanseng hormones habang nagkakaedad. Madaling solusyunan kung dahil sa dead skin cells ang dahilan kaya nangingitim ang kilikili, mag-exfoliate lang araw-araw. Kung hyperpigmentation naman, dapat ay kumunsulta sa derma para mabigyan ng ligtas na remedyo sa kilikili.
- Latest