^

Para Malibang

May ‘Tikas’ pa ba si Kuya? (2)

BODY PAX - Pang-masa

Sa isang lalaking paralisado posible pa ang makaramdam ng paninigas ng ari. Ito ay menos sa pisikal, menos sa pagpansin ng ari ng kasarian at mas nakatuon sa isang kalagayan ng diwa. Ang mahalaga, maski na hindi makaramdam ang tao, maaari pa rin siyang makinabang sa kaligayahan na dulot ng sariling seksuwalidad.

Ang paninigas ng ari ng isang paralisado ay di tumatagal upang makaraos siya o makarating sa ruruk. Mayroon mabibiling mga remedyo (pildoras, pelet, injection at artipisyal na bagay na dulot ng operasyon) para lunasan ang erectile dysfunction (ED). Kumunsulta  sa doctor para sa tamang impormasyon sa mga ibat-ibang option.

Ang pinakasikat na gamot sa panglunas ng ED ay ang Viagra (sildenafil). Pinatatagal ang paninigas at ang  pagtatalik ng maraming kalalakihan. Mayroong clinical evidence na ang Viagra ay mabuti para sa mga lalaki na merong MS (Multiple Sclerosis). Ngunit binabalaan ang mga taong may mataas o mababang  presyon sa dugo at ang ibang may sakit sa puso na iwasan ang Viagra. Mayroon ding bagong gamot gaya ng Cialis at Levitra, na nagbabalita na sila ay mas epektibo kaysa sa Viagra. Ang dalawang ito ay nagbibigay benepisyo ngunit kulang pa ang pag-aaral dito para matukoy ang pahayag na mas epektibo ito. Isa pang option ay ang injection ng gamot (papavarine or alprostadil) sa puno ng ari. Ang ari ay nananatiling nakatayo ng lumalampas sa isang oras. Babala na ang gamot na pangpatayo ng ari ay nagbubunga sa kondisyon na tinaguriang priapism, at posibleng makapinsala sa ari. Ang iba pang isyu na kaakibat nito ay pasa, peklat ant impeksyon at problema sa paggalaw ng mga kamay. Isa pang paraan ay ang medical supository sa uretra. Ang pelet (alprostadil) ay ipinapasok sa uretra, at nagpapaluwag sa mga sisidlan ng dugo para mapuno ng dugo ang penis (ari). Maaaring maging alternatibo ito sa tinata­yang 30-40 porsyento ng lalaki na di makabuo ng ereksyon sa Viagra. (Itutuloy)

vuukle comment

ARI

BABALA

CIALIS

ISA

ITUTULOY

MAYROON

MULTIPLE SCLEROSIS

VIAGRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with