^

Para Malibang

Padaliin ang pagbubuntis

Pang-masa

Last part

Ito ay karugtong ng talakayan kung paano mapapadali ang panganganak ng isang babae. Kaya naman narito ang ilang tips para mapababa mo si baby sa kanyang tamang puwesto at hindi ka mahirapang manganak.

Kausapin si baby – May ilang paniniwala na ang pakikipag-usap sa iyong baby kahit siya ay nasa tiyan pa ay makakatulong din para hindi ka mahirapan na manganak. Pakiusapan siya na lumabas sa maayos na paraan.

Castor oil – Ang paraang ito ay gaya rin ng pagkain ng maaanghang na pagkain. Magdudulot kasi ito ng iritasyon sa iyong tiyan at posibleng ikaw ay magkaroon ng loose bowel movement  o pagtatae. Kaya naman mapipilitan kang umire hanggang sa bumukas ang iyong cervix at tuluyan ka ng mag-labor.

Herbal Supplement – Uminom ng mga tea gaya ng evening primrose oil, black and blue cohosh, red raspberry leaf tea at nettle tea. Gawin ito kung papayagan ng iyong doctor. Upang maiwasan ang pag-inom ng sobra dahil mayroon din itong epekto kay baby.

Gumalaw-galaw – Ang paglalakad, paglangoy o iba pang activities na hindi naman stressful para sa buntis ay makabubuti para mapadali ang kanyang panganganak. Pinaniniwalaang makakatulong ito para umayos ang posisyon ng bata sa sinapupunan ng ina at makapuwesto ng maganda para maging normal ang panganganak ni nanay.

Mag-relax – Kung nag-iisip ka paano lalabas agad ang iyong baby, magdudulot lang ito lalo ng stress sa’yo, mag-relax  at mas mapapadali ang iyong pagle-labor. (Itutuloy)

GAWIN

GUMALAW

HERBAL SUPPLEMENT

ITUTULOY

IYONG

KAUSAPIN

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with