“ANG SUMPA sa atin ni Adwani, magiging Aswang Family tayo tuwing pagbibilog ng buwan,†sabi ni Shalina. “Ligtas tayo sa gabing ito, tapos na ang full moon.â€
Napailing si Greco. “Hindi tayo nakasisiguro sa masamang diwatang ‘yon. Anuman ay puwede niyang baguhin, depende sa kanyang kapritso.â€
“Paano na nga ang tatay n’yo? Paano na ang asawa ko?†halos histerikal nang sabi ni Aling Mameng.
Ang binatilyong katulong at ang alaga nitong aso—sina Telco at Foxy—ay nananatiling takot sa mga kasambahay; alam na sa gabi ay nagbabagong-anyo ang mga ito.
“Puwede po bang magkulong kami sa kuwarto ni Lolo Saro? Matibay po ang pinto at kandado niyon,†ninenerbyos na sabi ni Telco.
“So far ay hindi namin kayo sinasaktan, Telco. Kahit mga aswang na kami, may bahagi ng utak namin na nagsasabing kayo ni Foxy ay kakampi, hindi dapat galawin,†mahabang sabi ni Shalina.
“Saka kahit pa matibay ang pinto, kaya naÂming gibain, Telco. Manalig ka na lang na hindi ka namin sasaktan,†deklara ni Greco.
MAY natuklasan sa katawan si Shalina, lumarawan ang pangamba.
“Ano ba’ng ipagtatapat mo, Shalina?†nag-aalalang tanong ni Greco.
“B-Buntis ako.â€
“Anooo?†Nabigla si Greco; hindi inaasahan ang ibinalita ng misis.
“Para namang nakagawa ako ng krimen,†nagdaramdam na sabi ni Shalina. “Nagsisiping tayo, e di natural na magbubuntis ako.â€
Hindi masabi ni Greco ang pangamba; ang agam-agam. Clueless naman si Shalina.
Inuna ang pagdaramdam, ang hinanakit. “Kung ayaw mong panindigan, okey lang. Puwede mo na akong iwan, hiwalayan.â€
“Hindi ako nang-iiwan ng babaing mahal na mahal ko!†diin ni Greco. “Pananagutan ko ‘yang dinadala mo.†Hindi masabi ni Greco ang tunay na dahilan; na kaugnay ng pagbubuntis ni Shalina.
Sa isip lamang niya ang bagay na tumatakot sa kanya. May kinalaman kay Iskong sintu-sinto. (ITUTULOY)