Ano ang sinasabi ng binti at paa? Last Part
Magiging mabuti at responsableng asawa ang may maliliit na daliri sa paa.
Kadalasan ay mga “survivor†ang may malaking paa—sa lalaki ay 8 at babae ay 7. Kahit anong laki ng problema ay nakakaya nilang malampasan. Mahusay magdesisyon at magiging mahusay na lider.
Hindi magandang indikasyon ang mahabang middle finger sa paa. Kagipitan sa pera at hadlang sa pag-asenso ang mararanasan.
Kung ang pangalawang daliri sa paa (katabi ng hinlalaki) ay mas mahaba sa hinlalaki, ikaw ay mabait, maraming kaibigan, maraming pera ngunit gastador.
Kung ang paa ay maliit—sa lalaki ay 6 at sa babae ay 5 or below—ingatan ang ilong at breathing system. Seloso ang taong maliliit ang paa.
Kapag reddish ang kuko, ikaw ay yayaman. Kung gray, paghihirap. Kung milky white, stable ang buhay.
Ang malalaking daliri sa paa ay indikasyon ng good leader ngunit matigas at mainitin ang ulo.
Kung mataba ang mga daliri, siya’y susuwertehing magkaroon ng maraming ari-arian.
- Latest