^

Para Malibang

Naglo-lotion ka ba?

Pang-masa

DAHIL summer na naman, uso na naman ang iba’t ibang uri ng lotion para mapanatiling maganda, makinis at malambot ang iyong balat. Anu-ano nga ba ang benepisyo ng lotion sa balat? Narito ang ilan:

Maiiwasan ang pagkatuyot ng balat - ang mga taong nagtatrabaho sa mga lugar na mayroong extreme climate o weather ay kinakailangan na gumamit  ng lotion araw-araw para mapanatili ang moisture sa balat. Mas maganda kung ilalagay ang regular lotion na ginagamit pagkatapos maligo para mas ma-absorb ng iyong balat ang mga minerals na taglay ng lotion.

 Nakakaalis ng kalyo sa balat - Kapag may nakakapa ka sa iyong balat na tila magaspang at matigas, lagyan lang ito araw-araw ng lotion at mapapansin mong lumalambot na ito at madali ng tanggalin. Kaya lang may mga kalyo rin naman na hindi kayang tanggalin ng lotion kaya mas mabuting patingnan ito sa doctor.

Nakakapagpabango ng katawan - Mas masarap ang pakiramdam kapag ikaw ay mabango, kaya naman i-enjoy mo ang pagpapahid ng lotion sa buo mong katawan. Marami naman mapagpipiliang scent ng lotion kaya mas mabu­ting pumili ng babagay sa iyong personalidad at magbi-blend ng maganda sa natural na amoy ng iyong katawan. Maraming benepisyo ang lotion, lalo na ngayong summer, hindi dapat pumalya sa paggamit nito para maiwasan ang pagkakaroon ng dry skin ngayong tag-init.

ANU

BALAT

KAPAG

KAYA

LOTION

MAIIWASAN

MARAMI

MARAMING

NAKAKAALIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with