^

Para Malibang

Aswang family (53)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKIKIPAG-UNAHAN sa biik si Grecong tikbalang. Babagsak sa lupa ang biik na nabitiwan ng aswang na si Aling Mameng.

Gu-wiii-iikk. Gu-wiii-iikk. Nakakikilabot ang ingay ng biik.

Tagadag-tagadagg-tagadagg. Lalong binilisan ng tikbalang ang takbo. Sasaluhin niya ang biik. Ewan kung para kainin nang buhay.

Si Shalinang manananggal ay nakatanaw, parang napako sa lugar—sa tindi ng suspense.

Si Aling Mameng ay napahinto sa paglipad, nanood din.

Ang kahating katawan ng manananggal ay naiwan sa sagingan.

Natuwa si Iskong sintu-sinto sa sitwasyon. “He-he-hee. Hatita…”

PLAGG.  Kaylakas ng tunog ng pagsalo ng tikbalang sa biik.

Buhay ang pang-lechon de leche. Gu-wii-iikk.

Binuhat ito ng tikbalang, dadalhin sa sagingan.

Ang mag-inang manananggal at aswang ay nagtuloy na sa sagingan.

Kasunod na si Grecong tikbalang, dala ang buhay na biik.

Tagadag-tagadagg. Gu-wii-iik.

Natigilan si Shalinang manananggal nang nasa sagingan na. “Bakit wala rito ang kaputol ko, Inay?”

“A-aba, ewan. Ang alam ko’y  naibaba na rito ni Greco, anak…”

“Dapat ay naihanda na ni Greco, Inay. Nauna siya rito kanina…”

Dumating ang tikba­lang. “Shalina, dumugtong ka na sa katawan mo! Magliliwanag na!”

“Greco, saan mo ba inilapag?”

Saka naunawaan ng tikbalang na nawawala ang kaputol na katawan.

Ang biik ay nangi­nginig, hawak na ng biyenang aswang.

May naulinigan sila sa dulo ng sagingan. Mga ungol na masagwa.

“Putang ama!” Napamura ang tikbalang. Alam na kung nasaan ang nawawalang  kaputol ni Shalina.

Sinugod ng tikbalang ang pinagmumulan ng mahalay na ungol. Nahuli sa akto ang pagsasamantala sa pang-ibaba ng misis.

Gulat na gulat si Iskong sintu-sinto. “Aaaahhh!”

Pinagsisipa na ito ni Grecong tikbalang. “Dapat ka nang mamatay! Napakasama mo!”    (ITUTULOY)

ALING MAMENG

BIIK

DAPAT

GRECONG

INAY

ISKONG

SHALINA

SI ALING MAMENG

TIKBALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with