Aswang family (48)
TODO-BIGAY ang pagkanta ng mag-amang Sotero at Shalina sa karaoke bar, walang pakialam na sila ay nanganganib na sa mga taumbayan.
Sino nga ba naman ang matatahimik na ang libangang karaoke bar ay na-invade ng kapreng bading at ng seksing manananggal?
Nagtipun-ipon na ang mga tao, sari-sari ang dalang panlaban—itak, dos por dos, holy water, baril.
Meron ding ang dala ay banal na krus. Ang mga barangay tanod ay mga night stick o batuta. “Makinig, mga kabayan,†sigaw sa megaphone ng barangay captain, “bibiglain natin ang mga aswang na ‘yon! Saka natin sabay-sabay dudumugin hanggang sa mamatay!†Sang-ayon naman ang lahat. Kaytatapang. Ang kanta nina Nat King Cole at Natalie Cole ang binabanatan ng mag-amang Mang Sotero at Shalina.
Una ang tinig ng magandang manananggal. “Unforgettable…that’s what you are…†Sinalo ng tinig ng kapreng bading. “An-pwur-get-twabol…in ebri-hwey…†Palapit na ang mga tao sa karaoke bar. Maingat ang mga hakbang, parang mang-a-ambush.
Malambing ang tinig ng magandang manananggal. “That’s why, darling, it’s incredible, that someone so unforgettable…â€
Malandi ang boses ng kapreng bading. “…tinks dat ay em an-pwur-get-twabol tu-wuuu…†“ATTACK!†sigaw-utos ng barangay captain.
Sabay-sabay na silang sumugod sa loob ng karaoke bar.
Nagkagulatan. Nabigla ang mag-amang manananggal at kapre; nayanig sa hitsura ng dalawang aswang ang mga tao.
Pareho namang nakabawi ng hinahon. “SUGOD!â€
“Itay, takbo sa likuran! Dali ho!â€
“Aray kwo! Binabambo akwo ng mga walanghiya, anak!â€
Nabugbog na nang husto ang kapreng bading bago nailabas ni Shalinang manananggal. “Itay, ililipad ko kayo…kapit ho.â€
“Mabigat akwo, anak…†(ITUTULOY)
- Latest