‘Tulak ng bibig... Kabig ng dibdib’
Dear Vanezza,
May naging bf po ako, 3 months lang kami pero wala na kami ngayon. Mahal na mahal ko pa rin siya. Gusto ko na siyang kalimutan kasi sinaktan niya lang po ako. Nang nakipagbalikan po siya sa akin, hindi ko siya tinanggap at sinabi ko sa kanya na ayoko ng masaktan. Pero gusto ko ring makipagbalikan kaya lang nakapagbitaw na ako ng salita kaya hindi ko na lang siya pinapansin at kinakausap. Mahal ko pa rin siya. Siya po kasi ang first bf ko. - Erna ng Laguna
Dear Erna,
“Tulak ng bibig, kabig ng dibdib†sabi sa isang linya ng kanta na maihahawig sa suliranin mo. Nagtatalo ang iyong isip dahil iba ang ikinikilos mo sa isinisigaw ng iyong puso. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Tiyakin mong mabuti kung mahal mo ba siya talaga o hindi na. Kung mahal mo siya, ‘bigyan mo siya ng chance na ituwid ang naging pagkakamali niya kasabay ang pangakong hindi ka na niya sasaktang muli. Pero kung mas nananaig ang sakit na idinulot niya sa iyong puso, pag-aralan mo na siyang kalimutan at panindigan ang pakikipag-break sa kanya. Bata ka pa at mas makabubuti kung ibabaling ang panahon sa pag-aaral o sa ibang mas makabuluhang bagay, sa halip na ubusin ang oras sa kanya. Malay mo, sa gitna ng iyong kaabalahan ay dumating ang “prince charming†mo. Ang tunay na pag-ibig ay kusang dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest