Aswang family (44)
NAGING tikbalang si Greco, sa mismong likurang bahagi ng tumatakbong trak ng maggugulay. Nagtatadyak siya, humahalinghing.
I-hii-hiiingg. Tad-tad-tagadad.
Sa harapan ng trak, sa engine hood, siya tumaÂlon. Yanig na yanig ang driver at ang pahinante ng trak.
“Aaahhh!â€
“Demonyong kabayo!â€
Tagadag. Tagadag.
Lumayo na ang tikbalang, patungo sa isang direksiyon.
Ang totoo’y patungo si Grecong tikbalang sa ospital na kinaroroonan ni Shalina; nangangamba ang tikbalang na magiging manananggal ang misis kasabay ng pagsungaw ng buwan.
Wang-wang-waanng. Ingay ito ng police car na nakakita sa tikbalang sa highway. Tinutugis nila ang nilalang ng dilim.
“Hayun! Dali! Dali pa!â€
“Barilin na natin! Panganib ‘yon sa mga tao!†Nangingilabot ang mga alagad ng batas; unang engkuwentro nila ito sa isang tunay na kababalaghan.
Wala namang puknat ang pagtakbo-paglundag ni Grecong tikbalang. Gustong mailigaw ang mga humahabol; nais marating agad ang ospital.
Prak-praak-praakk. Bang. Bang. Bang. Kapow-kapow. Nagpaputok na ang mga tumutugis sa tikbalang. Pinaulanan ng bala ang kababalaghan.
Hindi tinamaan si Grecong tikbalang. Nagurlisan lang ng bala sa pisngi. Hindi napuruhan.
Tagadag-tagadag.
SA ICU ng ospital, naganap ang pinangaÂngambahan ni Greco. Nagbago na ng anyo si Shalina. Naging magandang manananggal.
“Eeeee! Aaaahh!†sigawan-takbuhan ang mga bantay ng pasyente, pati mga nurses at ilang duktor.
Si Shalina ay bumalikwas mula sa kama, hati na ang katawan—nakabukas na ang mga pakpak.
Binangga nito ang de-salaming bintana ng ICU, doon lumabas, lumipad palayo. Plap-plapp-plaapp
Naiwan ang pang-ibabang kaputol niya sa higaan, kumikislot-kislot pa ang mga bituka at laman-loob. (ITUTULOY)
- Latest